Sa isang bayang progresibo o sa kahit ano pang organisasyon ay mahigpit na ipinatutupad ang disiplina.
Ito ang isang matibay na batayan ng kaayusan at pagkakapantay.
Maging ang bansang kuminsta o mga rebelde maaring magkasalungat ng mga pananaw ngunit ang lahat ay
nagkakaisa na dapat may disiplina. Maging ang mga nasa nasa kulungan o tambay alam nila ang halaga
ng pagsunod.
Dala na siguro ng ating mga nagbabanggaang opion at makgkasalungat na pananaw, na ang disiplina ng
magkabilang panig ay ating tinutuligsa o nilalabanan.
O dahil alam din ng mga may pangsariling naisin na guluhin mo ang isang bagay, na magkaroon ng anarkiya
ay maari nilang maisulong ang mga platapormang pagbabago.
Ngunit anong pagbabago, na ang isinusulong nila ay dapat din magtagumpay sa isang kalipunang may
disiplina at ang pagkakaisa makakamit. pero paano kung ang kabilang panig naman ang manggulo...
Sa larawan sa itaas, sino sa kanila ang nagtagumpay na ang disiplina ay hindi naging bahagi ng kanilang
pag-unlad. Kung susuriin sa huli ang mga mamamayan ang magsasakripisyo... na matapos ng mga gulong
nakasanayan at kung sino man ang magwagi, mamamayan ay kailangan madisiplina at kung hindi ay masisisi
o maging bagong kalaban ng "DISIPLINA"
Maliwnag na sa panahon ng paglikha, Adan at Eba, disiplina sa sarii ang tanging hinihhiling sa ating ng Dios.
Na maging sa ating pagpili ay disiplina ng damdamin at pag-iisip ay ating dapat gawin.
Ang ating mga bayani ay hindi lang nagpakamatay sa bayan sila ay hinubog ng isang damdamin madisiplina
at kanilang naipakita sa mga mamayanan na ang pag asa ay nasa ating mga kamay...