Post by CARTES on May 3, 2008 16:15:13 GMT -5
Sa mga kaganapan ng nakaraang panahon kung saan ang ilang mga kabataan ay nag "spray paint" sinulatan at dinumihan ang ilang streamer ni MMDA Chairman Bayani.
Masasabi na ang naging aksyon ay lihis sa maayos na kaayusan para sa bayan, ito ay taliwas sa kanilang adhikaing. Maaring masabi naging marahas si Chairman sa kanyang mga kampayang isaayos ang kalunsudan ngunit dapat din natin timbangin ang mga nasa kapaligiran at pagmunihan ang mga kabutihan naidudulot sa atin.
Ating bigyan pag susuri na bawat uri ng pamahalaan, Demokrasya, Federal, Kaharian o Kumunista man, disiplina sa daan ay susi sa pag-unlad.
Ating pakaingatan ang bugso ng damdamin sa pamamalakad ng isang nanunungkulan. Na dahil sa galit mabulagan lang tayo sa tunay na ikabubuti ng ating sarili at bayan.
Totoong masasabi maaring magamit sa pamumulitika ang mga streamer o billboard ng mga namumuno, ngunit ito ay isang lantarang naabusong opportunidad para mapalawak ang kanilang katanyagan.
Mga pahayag na ang tanging naisin ay magpakilala hindi ang magpaalala sa batas o sa kaayusan. Napaglipasan na ng panahon, hanggang sa pagkaluma bayan parin naperwisyo, sagabal na sa kaligtasan ay pangit pa sa kapaligiran.
Mas naging makabayan pa ang naging kilos ng mga kabataan kung nilinis nila at inayos ang mga pinaglaruan, dinumihan at sinirang street signs o direction guide. Dagdag pang gawin ay isulong sa mga mambabatas ang mungkahing batas pigilan ang mga pulitika sa di mwastong paggamit ng anunsyo sa pangsariling kasikatan at sa bawat streamer o billboard naikakabit, bigyan halaga ay pag anunsyo sa kaligatasan sa daan o pag taas ng antas sa kamulatan ng pagpapahalaga and pagrespeto sa sarili, edukasyon at lipunan.
Maaring di tayo makasundo sa pamamalakad ni MMDA Chairman Bayani, ngunit nagkakaisa ng pananaw sa kahalagahan ng kaayusan at disiplina sa lansangan. at sa mga mabubuting nagawa ni Chairman ito ay naisin nating manatili at mapaglabong pa ang kamalayan ng mas marami sa isang bayang may disiplina at respeto sa batas at awtoridad.