|
Post by CARTES on Apr 22, 2008 17:04:36 GMT -5
Matagal na rin bago muli ko nabisita ang bayan ng Ilocos Norte... Ang bayan ng Vigan at Laog ang naging sentro ng aking pagpasyal. Naging maayos naman ang mga sandaling itinigil sa bayan, lalo na sa pamilya kumupkop sa panahon ng aming pamamasyal at pamamahinga. Sino and mag-aakala na sa likod ng mga kagandahang tanawin ng kabundukan at kaagapay ay progresibong pagunlad sa magandang daan sa may dalampasigan ay isang larawan ng pagkaudlot sa kamalayan ng progresso... Maaring sa bagsik na galit nag kalikasan, na ang galing ng tao ay nasusubok at anuman ang pag unlad wastong pag-aaral upang mapagtibay ang paghahanda... Ngunit sa aking paglalakbay, kapansinpansin ang mga kailangan na isaayos na mga paalala, pabala at direksyon para sa mas maayos na paglalakbay at maging mas kaigaigaya ang pamamasyal. Ang mga bagay na aking nasaad ay isang gawain na dapat agad magawan ng tamang aksyon upang ang kaligtasan ay di maisaalang-alang. Sa naisin natin maipamalita ang kagandahan ng ating bayan, ating pakatandaan na kung ang turista ay nais natin maanyayahan, ang kanilang kamulatan sa "Road Safety" ay kanilang pagsasaalang-alang ng kanilang pagpili sa mga mairekomenda nila sa kanilang kaibigan.
|
|