|
Post by iampublishing on Jan 31, 2008 15:16:30 GMT -5
Talakayan tungkol sa daloy ng traffic na sadyang sinasakal...
sa dahilan na sinasadya ang traffic sa pagkuha ng lasahero, ginagawa ng terminal ang daan... kung saan ang mga enforcer na nakatalaga ay di ginagampanan ang tunkulin, maaring sa kadahilang inutil sa pagtupag ng kanyang tungkulin o nasusuhulan ng mga abusadong driver.
Ang kagitingin ng ating mga enforcer ay nasa ating pangangalaga... ating pangalagaan ang mga tapat sa tungkulin, huwag nating bigyan dailan ang mga tiwaling paglaruan nila tayo at ang ahensyang nais malingkod ng tapat sa atin.
Pag may mali ating kastiguhin at Pag may tama ating purihin!
Mag kaisa tayo bantayan ang kaayusan ng ating lansangan.
|
|
|
Post by CARTES on Jan 31, 2008 15:44:26 GMT -5
So near yet so far.... Napasakit kuya Eddie ng byahe ko kagabi, patungo sa SM Mega Mall. D na ko nag MRT dahil ang ganda ng takbo ng byahe sa EDSA. Pinili ko na sumakay na lang ng bus dahil mas kumbiniente kesa tumungo pa ako sa MRT GMA station. Di me namalayan na ang nasakyan ko ay byahe ilalim Ortigas. Sa kahabaan ng byahe mag mula sa Kamuning hangang Ortigas 15minutos lang ang inabot, ngunit isang malaking pagsisi ng ang bus ay bumagal ang takbo mali ito ay gumagapang na nang takbo. Magmula Ortigas sa may pagpasok ng flyover hangang sa makatawid ay inabot na ng 20 minutos at ng makatawid lalo lang ang nadismaya ng makita na ang dahilan ng pagtraffic ay hindi dahil sa aksidente kundi sa pagsasakay ng pasahero. ginawang terminal. walang nagawa ang pink cloth.. buti pa pinantakip na lang ng mga traffic enforcer ng mukha nila sa nakakahiyang diskarte nila. Apat na MMDA officer ang nakatalaga ng 7 P.M. at waring di nila alintana ang nagaganap na traffic sa kanilang mismong harapan, nilakad ko na lang ang patungo MRT Ortigas at pinagsabihan na lang and MMDA officer, ngunit ng makalampas na ako sa kanila naging inutil muli ang mga pagkilos nila,,,, parang nasulsulang maging inutil.. .
Na pakalaking abala, at ang mga pasahero ay nagkakaroon tuloy ng maling pananaw sa tunay na dahilan ng traffic at nasisi na lang ang opisina ng MMDA. Tinangka ko itxt ang MMDA upang iparating ang problema at maayos din and mga tiwaling traffic enforcer.
At sa di inaasahang pagkakataon, pagbalik mag mula SM Mega Mall ay ilalim Ortigas muli ang nasakyan ko,,, panatag sa 10pm ay mas maayos na traffic na ang magiging byahe ko...
Ngunit pag dating sa may Ortigas inabot magmula sa pagpasok ng Robinson hangang makalabas kami ay inabot ng 30 minutos, di namin nalampasan ang nasa harap dahil may partition barrier and mga bus... sa aking pagtanong sa condoktor na nagsasakay ang nasa harap ng bus.
Ako'y bumaba para tingan ang katayuan sa daan at laking gulat ko na kami ay pan walong bus pa at ang nasa harapan ay humahakot ng pasahero ala nang pakialam sa mga bus na nasa likod at ng may tamang dami na ng pasahero ay bumamyahe na at ang sumunod na bus naman ay tinularan ang nauna... Nang aking sabihan ay talagang ganun daw ang kalakaran... sa aking paghahanap na maaring tumulong na guard ay alang mag kusang mag ayos at parang nanadya pang tagalan...
Isang MMDA Officer Francisco na pauwi na ang aking nilapitan at hiningan ng tulong sya, ako'y natuwa at walang alinlangan umaksyon agad at sya ay nagtraffic.. inayos ang traffic... ang mga driver ng bus ay walang nagawa kundi ang kumilos agad.
Ang kaayusan magmula sa EDSA Shrine ay binyahe ko ang Cubao ng may 10 minuto lang maaring pang bumabaa dahil di na kami tumigil sa Santolan. Sa byahe ako'y nilapitan ng kundoktor at sinabing nakokotongan ang mga MMDA sa pwesto kaya nagiging terminal ang Robinson. Isang insulto, kaya pinag sabihan kung pare pareho lang sila...
Ala silang pang unawa sa kanilang pasahero, pag kalokohan pwede lumabag pag hinuli patawad dahil hanap buhay lang...
|
|